-- Advertisements --

Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) Communications and Electronics Service ang isang mobile application app na tatawaging PNP Services para sa mas accessible na serbisyo ng mga pulis sa publiko.

Ang makabagong plataporma na ito ay naglalayon na gawing mas episyente at epektibo ang mga oangunahing serbisyo ng mga pulis sa publiko at mapahusay na rin maski ang komunikasyon sa pagitan ng mga mamamayan at ng kapulisan.

Tampok sa platapormang ito ang mga directory ng mga police stations, mga serbisyong publiko at maging ilan pang mga features at maging links ng ibat ibang tanggapan ng PNP sa buong bansa.

Samantala, ito ay bahagi pa rin ng modernisasyon ng PNP kung saan layon nito na gawing mas moderno na ang approach ng mga pulis sa mga emerhensiya ng publiko.