Ngayon pa lamang ay tinawag na ni US President Donald Trump na “unfair” ang susunod na moderator ng huling Presidential debate sa araw ng Biyernes oras sa Pilipinas.
Gaganapin kasi ang nasabing debate sa Nashville, Tennessee kung saan magiging moderator dito ay si NBC White House correspondent Kristen Welker.
Ayon kay Trump na matagal na niyang kilala si Welker at siya ay unfair.
Ilan sa mga pag-uusapan ay ang COVID-19, American Families, Race in America, Climate Change, National Security at Leadership.
Sa natitirang 16 na araw bago ang halalan sa US ay kaniya-kaniyang panunuyo ang ginagawa nina Trump at katunggali na si Democratic nominee Joe Biden.
Dumalo sa church service si Trump sa International Church of Las Vegas kung saan kapansin-pansin na marami ang walang suot na mga face mask at walang social distancing.
Habang nasa Durham, North Carolina naman si Biden sa ginanap na drive-in event.
Inanunsiyo naman ni Democratic vice presidential nominee Kamala Harris na ito ay negatibo.
Sumailalim kasi sa PCR testing si Harris matapos na hindi natuloy ang kampanya nito sa California dahil nagpositibo sa COVID-19 ang communications director nito na si Liz Allen.