-- Advertisements --

Tiniyak ng Party-List Coalition Foundation Inc. na buo ang kanilang suporta kay Speaker Faustino Dy III sa pamamagitan ng isang opisyal na manifesto.

Ang personal na pag-abot ng nasabing manifesto ay pinangunahan ni TGP Party-list Representative Bong Teves, na siyang presidente ng PCFI.

Kasama rin sa pag-abot ng suporta si Deputy Speaker Raymon Democrito Mendoza, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kanilang pagkakaisa sa pagsuporta sa House Speaker.

Ayon sa pahayag ng PCFI, ang liderato ni Speaker Dy ay lubhang mahalaga, lalo na sa panahon ngayon na maraming pagsubok sa pulitika.

Binigyang-diin nila na si Speaker Dy ay patuloy na isinusulong ang pagiging inklusibo, ang katatagan ng Kamara, at ang tunay na pagtutulungan ng mga miyembro nito.

Naniniwala ang PCFI na ang mga prinsipyo at adhikain na ito ay susi sa matagumpay na pagpapatakbo ng lehislatura.