-- Advertisements --
Binigyan linaw ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang P500 Noche Buena ay para sa apat na miyembro ng pamilya at hindi sa limang miyembro gaya ng una nilang inihayag.
Ayon kay DTI Secretary Crisitna Roque, na ang halaga ay base sa mga price guidelines na kanilang ipinalabas.
Paliwanag pa ng kalihim na karamihan kasi sa mga presyo ng noche buena products ay hindi nagtaas.
Dagdag pa nito na ang handa sa noche buena ay dumepende sa bilang ng pamilya ganun din kung kasama maging ang ibang mga kaanak.
Magugunitang pinuna ng mamamayan ang pahayag na ito ng DTI na kasya ang P500 dahil sa mataas na bilihin ngayong panahon.
















