Sinulatan ni US President Donald Trump si North Korean leader Kim Jong Un.

Ayon sa government owned media na Korean Central News Agency, nais ng US president na tulungan ang kanilang bansa para labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Isa ring magandang paraan anila ito para pabalikin ang ganda ng samahan ng dalawang bansa.

Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang relasyon ang dalawang bansa matapos na hindi sila nagkasundo sa denuclearization sa Korean region.