-- Advertisements --

Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyo sa layong 780 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph habang ang pagbugso ay aabot sa 50 kph.

Kumikilos ang naturang bagyo pakanluran o papalapit sa kalupaan ng Pilipinas sa bilis na 35 kph.

Ito na ang ikatlong weather disturbance ngayong 2025.

Inaasahan ang dalawa hanggang tatlong bagyo para sa buwan ng Hulyo.