-- Advertisements --

Sinampahan ng karagdagang apat na kaso si dating US President Donald Trump dahil sa pagtatangka nitong mabaligtad ang resulta ng halalan noong 2020.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng defraud the United States and an attempt to obstruct an official proceeding.

Itinalaga si Special Counsel Jack Smith para tignan ang imbestigasyon kay Trump kabilang ang pagkakasangkot sa nito sa January 6 riot habang isinagawa ng kongreso ang pag-sertipika sa pagkapanalo ni President Joe Biden.

Dahil ito ay pinatawag ang dating Pangulo na dumalo sa korte sa Washington sa araw ng Biyernes.

Bukod pa dito ay nahaharap din ang dating pangulo ng mishandling ng classified documents sa Florida at ang pamemeke ng mga business records dahil sa pagbabayad umano kay adult star Stormy Daniels.