-- Advertisements --

Nagkasundo ang Thailand at Cambodia na panatilihin ang kapayapaan sa kanilang border kasunod ng labanan noong Hulyo ng kasalukuyang taon na kumitil ng 32 sibilyan at sundalo.

Sa pulong ng Extraordinary Regional Border Committee sa Thailand, napagkasunduan ang pagpapabuti pa ng komunikasyon, pagbawas ng tensyon, at pagbuo ng coordinating group sa pinagtatalunang lugar.

Tinalakay rin ang pagtanggal ng landmine at pagtugon sa cross-border online scams.

Matatandaan, noong Hulyo 28, kasabay ng trilateral meeting sa Malaysia, naunang nagkasundo ang magkabilang panig sa isang walang-kondisyong tigil-putukan.

Sinundan ito ng noong Agosto 7 kung saan kapwa pinagtibay ng Thailand at Cambodia ang 13-puntong kasunduan, kabilang ang pagpayag na magpadala ng ASEAN observers upang bantayan ang pagpapatupad ng ceasefire at tiyakin ang mapayapang resolusyon ng mga sigalot.