-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang peace agreement para matapos ang giyera nila ng Russia ay nasa 90 percent na handa na.
Sa kaniyang New Year address ay nakatuon ang pagiging matatag ng Ukraine laban sa pag-atake ng Russia.
Dagdag pa nito na ang natitirang 10 porsiyento ay nakasasalay sa kapalaran ng kapayapaan at ang kapalaran ng Ukraine at Europa.
Magugunitang makailang ulit ng nagsagawa ng pagpupulong ang Ukraine at US para tuluyan ng matapos ang nasa apat na taong giyera nila ng Russia.















