-- Advertisements --

Pinatawad na ni US President Donald Trump ang ilang mga kaalyado nito na inakusahan na nagtangkang baligtarin ang kaniyang pagkatalo sa halalan noong 2020.

Kinabibilangan ito nina Rudy Giuliani, Mark Meadows, Jeffrey Clark at Sidney Powell.

Sa inilabas na proclamation ni Trump, nakasaad nito na nais niyang tapusin na ang “grave national injustice” at nais ang patuloy na proseso ng national reconcillation.

Iniimbestigahan kasi ng US Justice Department ang plano ni Trump at mga supporters para baligtarin ang resulta ng halalan na ang panalo ay si US President Joe Biden noong 2020.