Pinagbabayad ng Manhattan federal jury ng $83.3 milyon si dating US President Donald Trump dahil sa mapanirang pahayag nito sa writer na si E. Jean Carroll.
Ayon sa Jury na dapat magbayad si Trump ng $18.3 milyon bilang compensatory damages, $11-M para pondohan ang reputational repair campaign at $7.3-M bilang emotional harm , $66-M punitive damages dahil sa malisyosong pahayag.
Ang nasabing halaga ay walong beses na mas mataas sa hinihingi ni Carroll sa inisyal na kaso nito.
Ang nasabing kaso ay pinag-aralan ng panel na binubuo ng pitong lalake at dalawang babae na umabot ng dalawang oras at 45 minuto.
Noong nakaraang Mayo sa magkaibang federal jury sa Manhattan ay pinagbabayad si Trump ng $5-M damyos kabilang ang $3-M para sa defamation matapos na napatunayan ng korte na inabusong sekswal ni Trump si Carroll at siniraan sa publiko noong 2022.
Binatikos naman ni Trump ang desisyon na ito ng korte at kaniyang iaapela ang desisyon.