Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang mainit na ugnayan ng Pilipinas at Ukraine ng magkausap ang dalawa sa pamamagitan ng telepono.
Tinalakay ng dalawang lider ang posibleng kooperasyon sa food security, agrikultura, at digitalization.
Ayon kay Pangulong Marcos, naglatag sila ng mga paraan upang pagtibayin pa ang ugnayan bilang paghahanda sa pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon, kabilang na ang pagpapalakas ng ASEAN–Ukraine engagement.
Matatandaang bumisita si Zelenskyy sa Malacañang noong 2024 kung saan inihayag niya ang pagbubukas ng Ukrainian Embassy sa Maynila. Naitatag ang pormal na ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa noong 1992.
Sa post ni Zelenskyy, sinabi nitong nagpaabot sya ng pakikiramay sa Pilipinas dahil sa mga nasawi at pinsalang dulot ng mga bagyo.
Ibinahagi rin nya ang kanilang patuloy na koordinasyon kasama ang United States at iba pang partners para sa mga hakbang tungo sa matatag na kapayapaan sa kanilang rehiyon.
Pinuri nito ang patuloy na suporta ng Pilipinas sa peace efforts ng Ukraine, pati na sa kanilang sovereignty at territorial integrity.
















