-- Advertisements --
Niri-respeto ng Palasyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng International Criminal Court (ICC), matapos ang pagbasura sa apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang interim release.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na nag desisyon na ang ICC at hayaan na aniyang umusad ang kaso.
“ The International Criminal Court has already made its decision, and the Palace respects it,” pahayag ni USec. Castro.
Hindi pinaboran ng ICC ang hiling ng kampo ni dating Rodrigo Duterte para sa kaniyang interim release.










