Pinag-iingat ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) ang publiko laban sa fake bookings sa kasagsagan ng summer season.
Marami sa mga pekeng bookings, ayon sa grupo, ay nairerehistro sa iba’t-ibang social media sites.
Paalala ni PTAA Inbound Committee Member Fe Abling Yu sa mga bakasyunista, laging tiyakin na lehitimo ang mga nakakausap at may lehitimongg contact number at actual address.
Bago magpadala ng bayad para sa mga scheduled vacation, dapat aniyang beripikahin muna ang mga ito, tulad ng paghahanap sa kanilang background, business information, at iba pa.
Pinag-iingat din ni Yu ang publiko sa basta na lamang pagbabayad sa pamamagitan ng e-wallet at iba pang paraan ng pagbabayad.
Ginawa ng PTAA ang babala kasabay ng inaasahang paglobo ng mga nagbabakasyon ngayong summer season na posibleng sinasamantala rin ng fake booking sites, at mga scammer.










