Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang isang guro na si John Barry Tayam ngayong araw hinggil sa isyu ng posibleng pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa upang dalhin tungo sa International Criminal Court.
Sa inihain Petition for Certiorari and Prohibition ng naturang guro, kanyang kinuwestyon ang legalidad sa inisyung resolusyon ng Senado partikular ang Senate Resolution No. 44.
Layon kasi rito na mabigyan proteksyon ang mga Pilipino mula sa tinatawag na ‘extrajudicial rendition’ o pagdala sa indibidwal sa isang ‘foreign tribunal’.
Sa pamamagitan ng nabanggit na resolusyon ay nagkaroon ng mistulang proteksyon at kanlungan si Sen. Bato Dela Rosa upang hindi umano maisilbi ang ‘arrest warrant’ mula International Criminal Court.
Kung kaya’y hiniling ni Barry Tayam sa Korte Suprema na maipawalang bisa ang resolusyon sa paniniwalang nagkaroon ng grave abuse of discretion ang senado.
Nais din niyang mag-isyu ang hukuman ng ‘writ of prohibition’ para mapigilan ang senador na gamitin ang senado para maharang pagpapatupad ng ‘arrest warrant’.
Bukod pa rito’y nais ng guro na atasan ng Kataas-taasang Hukuman ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group, at National Bureau of Investigation na tuparin ang trabaho tuluyan isilbi ang ‘warrant’ mula sa International Tribunal.
Ipinunto ni Barry Tayam sa kanyang petisyon ang pagbanggit sa batas nagsasabing ang ‘immunity’ ng isang mambabatas sa loob ng senado ay mayroon limitasyon.
Aniya’y maari lamang hindi maaresto ang isang indibidwal habang nasa loob ng senado kung ang kasong kinakaharap ay may parusang mas mababas sa 6 na taon pagkakakulong.
Dahil rito’y hamon niya kay Senador Bato na harapin ang kaso at patunayan nitong siya’y inosente sa alegasyon kinakaharap.
Giit kasi ng guro na prinoproteksyon na ng bagong liderato ng Senado ang naturang mambabatas para hindi lamang tuluyang maaresto.
















