-- Advertisements --

Opisyal nang pinangalanan ng House of Representatives ang mga miyembro ng prosecution panel na magsisilbing tagapagtanggol ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa nalalapit na paglilitis sa Senate impeachment court.

Kabilang sa mga itinalagang House prosecutors sina Reps. Gerville Luistro, Keith Flores, Bel Zamora, Lorenz Defensor, Joel Chua, Leila de Lima, Chel Diokno, Terry Ridon, Rodge Gutierrez, Kaka Bag-ao, at Lordan Suan.

Ayon sa liderato ng Kamara, ang grupo ay inatasang iharap at ipagtanggol ang mga Articles of Impeachment sa Senado sa sandaling ito ay mag-convene bilang impeachment court.

Inaasahang magiging masinsinan ang pagtalakay sa mga alegasyon laban sa Bise Presidente, habang nananawagan ang mga mambabatas ng patas at transparent na proseso sa pagdinig.

Ang hakbang na ito ay itinuturing na mahalagang yugto sa kasaysayan ng Kongreso, na muling magpapakita ng kapangyarihan ng lehislatura sa pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan.