-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Pilipinas at Vietnam ang pagbuo ng pangmatagalang rice trade mechanism upang matiyak ang matatag na suplay ng bigas at mapalakas ang food security cooperation ng dalawang bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Napag-usapan ito ni Pres Marcos at ni newly elected Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng ika-48th ASEAN Summit. Ayon sa Presidential Communications Office, nagkasundo ang dalawang lider na palawakin ang kooperasyon sa agrikultura lalo na sa rice trade.

Bukod sa usapin sa bigas, binigyang-diin din ng dalawang bansa ang ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam ngayong taon, na inaasahang magpapalalim pa sa ugnayan sa kalakalan at ekonomiya.

Tinalakay rin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng koordinasyon laban sa transnational crimes gaya ng scam hubs at human trafficking, pati na rin ang pagpapalawak ng tourism cooperation upang mas mapalakas ang people-to-people exchanges at economic ties. (report by Bombo Jai)