Pinakukumpiska na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga helicopter na pag-aari ng puganteng si Zaldy Co.
Sa video message ng Pangulo kaniyang inatasan ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makipag ugnayan sa kanilang counterpart sa Malaysia at Singapore para maibalik sa bansa ang mga nasabing helicopter.
Ayon sa Pangulo ang nasabing helicopter ay naka rehistro pa sa kaniyang kumpanya na Misibis Aviation and Developnment Corporation.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos dahil mayruon ng freeze order mula sa AMLC, ang disposisyon ng mga nasabing aircraft ay mahigpit ng ipinagbabawal.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na dapat malaman ng mga pugante na hindi pwedeng gamitin ang kanilang mga ari-arian na mula sa kaban ng bayan.
Muling nanawagan ang Pangulo sa mga pugante na umuwi na ng bansa dahil sila ay hindi na mga turista, sila ay pinaghahanap na ng batas.
Samantala, kinumpirma din ng Pangulong Marcos na kinumpirma ng DOJ na nagbalik ng P110 million sa gobyerno si Henry Alcantara at sa loob ng dalawang linggo ay magbabalik pa ito ng ₱200 milyon.
Siniguro ng Pangulo sa taumbayan na gagawin nila ang lahat na maibalik sa kaban ng bayan ang pera na ninakaw ng mga sangkot sa flood control anomaly.
















