-- Advertisements --
Nagpakalat na ang National Bureau of Investigation ng mga tauhan para sa implementasyon ng arrest warrant laban kay former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon kay NBI Officer-in-charge Angelito Magno, layon aniya nila rito maaksyunan ang buong pwersang pagpapatupad ng batas.
Kung saan ikinalugod ng kawanihan ang kadyat na pag-isyu ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kina Zaldy Co at iba pa.
Kaugnay ang warrant sa kasong isinampa ng Ombudsman sa umano’y pagkakasangkot nito sa bilyun-bilyong halaga ng maanomalyang flood control projects.
Kaya naman tiniyak ng NBI na kanilang tutuparin ang mandatong maiharap sa publiko ang mga sangkot sa korapsyon.
















