-- Advertisements --
Tanggap ng pamilya Duterte ang naging desisyon ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) na nagbasura sa hiling na interim release o pansamantalang paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes, Nobiyembre 28.
Sa isang statement, nanindigan ang pamilya na kanilang ipagpapatuloy ang pakikipag-tulungan sa defense team ng dating Pangulo sa kaniyang kaso.
Patuloy din ang kanilang suporta sa dating Pangulo kalakip ang araw-araw na pakikipag-usap.
Pinasalamatan din ng pamilya Duterte ang lahat ng nakiisa sa kanila ngayong araw sa pagdarasal para sa dating Pangulo.
Una rito, sa naging desisyon ng ICC ngayong araw, hindi pinagbigyan ng Appeals Chamber ang tatlong naging batayan sa apela ng kampo ng dating Pangulo.
















