-- Advertisements --

Nakatakdang lumipad si US President Donald Trump patungong Anchorage, Alaska ngayong gabi para sa inaabangang makasaysayang summit sa pagitan nila ni Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa White House, nakatakdang umalis ng Amerika si Trump at bumiyahe patungong Alaska mamayang alas-6:45 ng umaga, oras sa Amerika o alas-6:45 ngayong gabi ng Biyernes, Agosto 15, oras sa Pilipinas.

Inaasahang babalik si Trump sa White House umaga ng Sabado, Agosto 16.

Ilan naman sa delegasyon ng Russia ang nagsmula ng magsidatingan bago ang nakatakdang summit kabilang na si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov.

Kabilang pa sa delegasyon na inaasahang dadalo mula sa Russia ay sina Defense Minister Andrey Belousov, at sovereign wealth fund chief Kirill Dmitriev.

Wala naman inaasahang presensiya ng mga kinatawan o delegasyon mula sa panig ng Ukraine.

Magsisimula ang one-on-one meeting sa pagitan nina Trump at Putin sa pinakamalaking military base sa Alaska na Joint Base Elmendorf-Richardson mamayang alas-11:00 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Susundan ito ng pagpupulong ng delegayson at isang joint press conference.

Inaasahang magiging sentro ng paguusap nina Trump at Putin ang posibleng kasunduan para mawaksan na ang giyera sa Ukraine.

Inaasahan naman na hihilingin ni Putin ang territorial concessions at paglimita sa ambisyon ng Ukraine na makianib sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at posibleng muling buhayin ang mga dinidemand ng Moscow sa mga nabigong peace talks.