APEC Summit Duterte Trump
ASEAN gala dinner with US President Donald Trump and President Rodrigo Duterte (file photo by pool, Nov 12, 2017)

Todo pakiusap si US President Donald Trump sa kanyang mga kapartido sa Republicans na kumilos na ng mabilis upang ipagtanggol siya at pigilan ang ginagawa ng mga mambabatas na Democrats sa US House of Representatives na siya ay ma-impeach.

“The Republicans have to get tougher and fight,” ani Trump. “We have some that are great fighters, but they have to get tougher and fight, because the Democrats are trying to hurt the Republican Party before the election.”

Gayunman maging sa sariling partido ay binabatikos din si Trump sa mga polisiya nito tulad nina Senate Majority Leader Mitch McConnell, Senator Lindsey Graham at Republican Senator Mitt Romney.

Ang nilulutong impeachment laban kay Trump ay bunsod nang paghingi niya ng tulong sa isang dayuhang bansa lalo na sa Ukraine upang imbestigahan ang posibleng makakalaban niya sa 2020 na si dating Vice President Mike Pence.

Sa araw ng Huwebes nakatakdang humarap naman sa close door hearing sa kanilang Kamara si acting White House Budget Director Russell Vought.