Nagpasya si US President Donald Trump na ititigil na niya ang panonood ng mga laro ng NBA.
Ito ay matapos ang pagkadismaya raw niya sa ilang mga NBA players na lumuhod habang tumutugtog ang national anthem.
Sinabi nito na isang uri ng pambabastos sa kanilang national anthem ang ginawang ito ng mga manlalaro.
Dapat aniya na magpasalamat sila dahil siya ang gumawa ng paraan para maibalik ang mga laro sa NBA.
Magugunitang maraming mga NBA players ang lumuhod habang kinakanta ang national anthem bilang pagpapakita ng protesta sa mga nagaganap na racial discrimination.
Minaliit naman ni Los Angeles Clippers coach Doc Rivers ang naging pasya ng US President na hindi na manoond ng NBA games dahil sa pagkadismaya sa mga manlalaro.
Sinabi ni Rivers na isang audience lamang naman ang mababawas kumpara sa ilang milyong basketball fans sa buong mundo na nanonood.
Dagdag pa nito, hindi rin masisisi ang mga players na ilabas ang kanilang hinaing sa mga nangyayari sa gobyerno nila.