-- Advertisements --

Naging malinaw na ang mga koponan na maaring mag-uwi ng kampeonato sa NBA Finals ngayong taon.

Mula sa dating 30 koponan ay naging walong kopona na lamang ang natira sa pagsisimula ng second round ng NBA playoffs.

Sa Eastern Conference semifinals ay makakaharap ng number 1 team na Cleveland Cavaliers ang number 4 na Indiana Pacers.

Habang ang number 2 na Boston Celtics ay makakaharap ang number 3 sa Eastern Conference na New York Knicks.

Habang sa Western Conferences semifinals ay makakaharap ng number 1 na Oklahoma City Thunder ang number 4 na Denver Nuggets at ang number 6 na Minnesota Timberwolves ay makakaharap ang Golden State Warriors.

Bawat koponan ay dumaan sa iba’t-ibang pagsubok kung aan sa first round ay na-sweep ng Thunder 4-0 ang Memphis Grizzles habang ang Celtics ay nakapasok sa second round ng magtala ng 4-1 na bentahe laban sa Orlando Magic sa first round.

Na-sweep din ng Cavs 4-0 ang first round nila ng Miami Heat at ang Timberwolves ay hindi pinaporma ang Los Angeles Lakers at nakamit ang 4-1 na bentahe para makapasok sa semifinals.

Habang walang kahirap-hirap din na nalusutan ng Pacers sa unang round ang Milwaukee Bucks at nakuha ang 4-1 na bentahe.

Naging malaking hamon ang first round sa Warriors dahil umabot pa sa Game 7 bago tuluyang ilampaso nila ang Houston Rockets ganun din ang nangyari sa Nuggets na umabot rin sa Game 7 para ilampasok ang Los Angeles Clippers sa first round.

Habang ang Knicks ay bahagyang nalusutan ang Detroit Pistons at naitala ang 4-2 na bentahe sa first round playoffs.

Ngayon araw ay magsisimula ang first game sa second round playoffs sa pagitan ng Celtics at Knicks ganun din ang Thunder at Nuggets.

Habang nakaisang panalo na ang Pacers laban sa Cavs sa second round playoffs.