-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang malalimang imbestigasyon kaugnay sa umanoy isinasagawang illegal quarrying operations sa mga coastal waters ng bansa. 

Napa ulat na ang mga buhangin ay siyang ginagamit na pantambak umano sa ilang reclamation activities sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro nakatanggap kasi ang Pangulo ng impormasyon ukol dito dahilan na ipinag utos ang isang malalimang imbestigasyon.

Nais kasi mabatid ng Pangulo kung may mga pananagutan dito ang mga local government units.

Pagtiyak ni Castro mananagot ang dapat managot kaugnay sa mga isinasagawang iligal quarrying.

Kung maalala, ibinunyag ng NICA sa isang pagdinig sa Senado na ang mga  buhangin mula sa coastal waters ng bansa ang siyang ginagamit pantambak sa mga reclamation activities.