Inanunsiyo ng San Antonio Spurs ang pagbaba sa puwesto ng kanilang beteranong coach na si Gregg Popovich.
Ayon sa koponan na ang 76-anyos na coach ay magiging president of basketball operations ng koponan.
Kasabay din nito ay inanusiyo ng Spurs ang bagong coach nila sa katauhan ni Mitch Johnson.
Sinabi ni Poppovich na kahit na labis ang pagmamahal niya sa laro ay nagpasya ito na bumaba sa puwesto.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon kasi ay dumanas ito ng mild stroke at hindi na bumalik sa mga laro ng Spurs.
Pinasalamatan nito ang mga manlalaro, opisyal at mga fans ng Spurs dahil sa walang sawang suporta.
Si Poppovich ay three-time NBA coach of the year na pinangunahan ang Spurs ng limang championships at siya rin ang naging coach ng USA Basketball para makuha ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
Tinanghal siya sa bilang Basketball Hall of Fame bilang coach noong 2023.
Taong 1988 ng maging unang assistant coach ng Spurs si Poppovich sa loob ng apat na season at lumipat bilang assistant coach ng Golden State Warriors ng dalawang season.
Noong 1994 ng bumalik si Poppovich sa Spurs bilang general manager at vice president of basketball operations.
Pagdating ng 1996-97 ay pinalitan niya si Bob Hill para maging head coach kung saan itinuring noon na naging pinakamatagumpay na koponan ang Spurs sa NBA.