Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa 1.93 million noong buwan ng Marso mula 1.94 milyon noong nakaraang buwan ng Pebrero, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng unemployment rate na 3.9%, bahagyang mas mataas kaysa sa 3.8% noong nakaraang buwan ng kasalukuyang taon.
Gayunpaman, tumaas ang bilang ng mga underemployed o yung may trabaho ngunit naghahanap pa ng dagdag na oras o kita.
Umakyat ito sa 6.44 million mula 4.96 million, kaya’t tumaas ang underemployment rate sa 13.4% mula 10.1% sa nakaraang buwan.
Samantala nakapagtala rin ang PSA ng 51.15 milyong Pilipino na nasa edad 15 pataas ang kabilang sa labor force o yung sapilitang pagtatrabaho sa mga menor de edad na wala pang hustong gulang, noong buwan ng Marso, 2025.