-- Advertisements --
Ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Base kasi sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong buwan ng Agosto ay mayroong 3.9 percent rate ang bilang ng mga walang trabaho.
Ito ay mas mababa kumpara noong Hulyo na mayorong 5.3 pecent ganun din noong nakaraang Agosto 2024 na mayroong 4.0 percent ang bilang ng mga walang trabaho.
Dagdag pa ni DOLE na kahit na nagkaroon ng maraming bagyong dumaan sa bansa ay hindi pa rin nagpatinag ang mga employers na ipagpatuloy ang kanilang negosyo.
Tiniyak din ng DOLE na sila ay gumagawa sila ng hakbang gaya ng pagpaparami ng mga job fairs sa bansa.