-- Advertisements --

Binuksan na ng Department of Education (DepEd)a ng Election Task Force Command Center sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara, na magsisilbing operationa ang Command Center mula Mayo 11 ng 1 ng hapon hanggang Mayo 13 ng alas-5 ng hapon.

Dagdag pa ng kalihim nais nilang tiyakin 24/7 na kanilang tutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro na tutulong para sa 2025 National and Local Elections.

Mayroong nakabantay na special team para sa buong bansa na magsasagawa ng real-time monitoring legal support, hotline at help desk operations.

Pinaalalahanan ng kalihim ang istriktong pagsunod sa pagiging non-partisan alinsunod sa mga patakarang ipinapairal ng civil service commission.