-- Advertisements --

Umapela si Navotas Representative Toby Tiangco sa Marcos administration na tugunan na ang magkakasunod na bigtime price hike sa mga produktong petrolyo.

Panawagan ng batikang mambabatas, panahon na upang uspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Inirekomenda ng mambabatas ang paggamit sa kapangyarihan ng pamahalaan sa ilalim ng Republic Act No. 12316 para pansamantalang suspendihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo.

Ayon kay Tiangco, hindi lamang mga motorista ang apektado dahil maaaring tumaas din ang gastos sa pamasahe, pagkain, delivery, at iba pang pangunahing bilihin.

Panahon na aniya upang pumagitna ang pamahalaan at tulungan ang publiko sa labis na epekto ng mataas na presyo mga produktong petrolyo.

Kung babalikan, sunod-sunod na lingong nagpatupad ang petroleum companies ng price hike kung saan sa loob lamang ng tatlong linggo, umabot na sa P18.31 kada litro ang itinaas ng diesel; P15.25 sa gasolina, at P16.67 sa kerosene.