-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagakyat ng bilang ng mga naitatalang election-related incidents sa bansa ilang araw bago ang eleksyon.

Ayon sa PNP, umakyat na sa 40 ang kabuuang bilang ng mga naitalang insidente kung saan mula sa bilang na ito, 26 ang naitalang ‘violent’ habang 14 naman ang mga’non-violent’.

Karamihan sa mga naitala ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sinundan naman ng Cordillera Administrative Region (CAR), Zamboanga Peninsula at Cagayan Valley.

Samantala, patuloy naman sa pagkumpirma ang PNP sa 17 hinihinalang mga ERI sa mga lugar ng Ilocos Region, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Northern Mindanao, at maging sa Davao Region.

Kasunod nito ay tumaas rin ang bilang ng mga paglabag sa patuloy na umiiral na gun ban sa bansa kung saan 2,923 mga indibidwal na ang naaretso dahil sa gun ban violations.

Karamihan sa bilang na ito ay mula sa Metro Manila, sinundan ng Central Visayas at Central Luzon.

Samantala, matatandaan naman na nagkaroon na ng paalala ang PNP na mas mararamdaman ngayon ang mas mahigpit na seguridad sa mga checkpoints at chokepoints para mapnatili ang kaayusan at kapayapaan bago at habang halalan.