-- Advertisements --
Magpapadala ng karagdagang personel ang Philippine National Police (PNP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa nalalapit na Parliamentary Elections sa Oktubre.
Bagamat hindi na inihayag ang eksasktong bilang ng mga karagdagang tauhan, tiniyak ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na minimal lamang ang kanilang mga itatalaga bilang augmentation sa kasalukuyang bilang na nasa rehiyon sa ngayon.
Naniniwala kasi ang hepe na magiging mapayapa ang magiging halalan sa Oktubre at walang maitatalang mga untoward incidents na may kaugnayan sa magiging halalan.
Samantala, patuloy naman na magppatupad ng mga checkpoints at chokepoints ang Pambansang Pulisya bilang bhagi ng kanilang regular na mandato.