Naniniwala si Russian President Vladimir Putin na hindi mapapatalsik o ma-impeach si US President Donald Trump.

Sinabi nito na ang impeachment ay isang pagganti ng Democrats kay Trump.

Noong 2016 US election kasi ay tinalo ni Trump na isang Republicans ang pambato ng Democrats na si dating first lady Hillary Clinton.

Inihalimbawa pa ni Putin na ang impeachment sa nangyaring pagdawit sa Russia noong 2016 US election.

Tiwala rin ang Russian President na pagdating sa senado ang impeachment ay maibabasura na ito dahil sa kontralado ng Republicans ang senado.