Desidido si Pres. Donald Trump na magpadala ng pwersa militar as Portland upang protektahan ang Immigration and Customs Enforcement (ICE) facilities na umanoy nasa ilam ng pagsalakay ng mga teroristang Antifa ayon sa pangulo.
Ayon kay Trump, pinapayagan niya na gumamit ng Full Force ang militar kung kinakailangan laban sa Antifa at iba pang terorista na sumasalakay sa ICE.
“I am directing Secretary of War, Pete Hegseth, to provide all necessary Troops to protect War ravaged in Portland… I am also authorizing Full Force, if necessary” ani ni Trump.
Ang naging anunsyo ni Trump ay kasunod ng nangyaring pamamaril ng isang gunman sa ICE facility sa Dallas kung saan isa ang naitalang namatay at dalawa naman ang lubhang nasugatan.
Samantala umalma naman si U.S Senator Jeff Merkley at iba pang lokal na opisyal ng Portland sa anunsyong ito ng pangulo.
Ayon kay Merkley, Ang pangulo din mismo ang may pakana sa gulo na nangyayari sa lungsod, ang layunin umano ni Trump ay pagmukain na magulo ang Portland.
“Our job is to say, ‘We are not going to take the bait'”. dagdag pa ni Merkley.
Sinuportahan naman ito ng kampo ni Oregon Gov. Tina Kotek kung saan sinabi nito sa isang social media post na malinis at kalmado ang kanilang komunidad at walang banta sa nasyonal na seguridad.
















