USS John McCain
USS John McCain

Itinanggi ni US President Donald Trump na may kinalaman ito sa pagtago ng warship na ipinangalan sa yumaong kritiko nito na John McCain noong ito ay nasa Japan.

Ayon sa White House, na hindi hiniling ng US President na itago ang nasabing USS John S. McCain.

Wala din itong anumang kinalaman sa nasabing pagtatago ng US Warship.

Dagdag pa ng US President na hinding-hindi gagawin ang nasabing hakbang.

Ang US guided-missile destroyer ay matatagpuan sa Yokosuka City sa Japan at ito ay ipinangalan sa mahigpti na kritiko ni Trump na si dating Senator McCain.