-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na nagkasundo ang Thailand at Cambodia na tapusin ang kanilang sigalot.
Kasunod ito sa ginawang pag-uusap ni Trump sa mga lider ng dalawang bansa.
Ayon kay Trump na naging maganda ng usapan nina Thailand Prime Minister Anutin Charnvirakul at Cambodia Prime Minister Hun Manet.
Nagkasundo ang dalawang lider ng agarang tigil-putukan at bumalik sa kasunduan.
Handa umano ang dalawang bansa na isulong ang kapayapaan ay ituloy ang kalakalan sa US.
Magugunitang nakiusap ang Thai Prime Minister kay Trump na kung maaari ay hikayatin ang Cambodia na sumunod sa tigil putukan.
Mula pa noong Hulyo ay patuloy ang palitan ng putok ng Cambodia at Thailand sa kanilang border.
















