-- Advertisements --

Itinuturing ng White House na matagumpay ang ginawang pagbisita ni US President Donald Trump.

Aabot kasi sa $600 bilyon na halaga ng investment ang nalikom ni Trump sa kaniyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Kasama na rin sa kasunduan ang $142 bilyon na halaga ng arms deal sa pagitannila ng Saudi Arabia.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita si Trump sa Saudi Arabia sa kaniyang ikalawang termino.

Pinuri ni Trump si Saudi crown prince Mohammed bin Salman dahil sa magandang ginawa nito sa Saudi Arabia.

Dahil aniya sa mga investment na nakuha ni Trump ay ipinagmalaki nito na patuloy na ang pagbuhos ng yaman sa US.