-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang pagdami ng kanilang mga ventilators at kaya pa nilang magpahiram sa ibang bansa.
Sinabi nito na handang tulungan ng US ang ibang mga bansa na nangangailangang ng ventilators.
Inihalimbawa nito ang South Korea kung saan labis ang pasasalamat ng kanilang pangulo sa nasabing tulong na ventilator ng US.
Hindi ring maiwasan ng US President na banatan ang nakaraang administrasyon dahil na nagkulang sa ventilators at kulang pa ang bilang ng mga ito.
Mula ng ipatupad ang lockdown sa US ay may ibang mga kumpanya ng sasakyan ang gumawa na ng ventilators na makakatulong sa mga nadadapuan ng coronavirus.