-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan ang legendary singer na si Connie Francis.
Ayon sa kaanak nito na kasalukuyang nasa pagamutan ito sa Florida.
Hindi naman nila binanggit kung ano ang sakit ng 87-anyos na singer kaya ito dinala sa pagamutan.
Noong nakaraang mga taon ay nakakaranas ito ng orthopedic health issues kung saan patuloy itong minomonitor ng mga doctor.
Sumikat ang singer noong 1950 kung saan ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Pretty Little Baby”, “Stupid Cupid” , “Where the Boys Are” at maraming iba pa.