-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang bagong detention facility sa Everglades, Florida.
Sa nasabing lugar ay doon ilalagay ang mga iligal na migrant na kanilang mahuhuli bago pauwiin sa kanilang mga bansa.
Mula sa dating 11,00- talampakan na runway ng Dade-Collier Training and Transition Airport ay ginawa na nila ito ngayon ng temporary tent city.
Personal ito na binisita ni Trump kung saan kapag natapos ay doon ilalagay ang nasa 5,000 na mga migrants bago sila ay tuluyang mapalayas sa bansa.