trump marine 1
Donald Trump

Binatikos ng ilang mambabatas ang naging pahayag ni US President Donald Trump na wala ito ng pakialam sa opensibang isinasagawa ng Turkey sa Syria.

Nauna rito sinabi ni Trump na hindi na problema ng US kung lumusob man ang Turkey sa Syria at tinawag pa nito ang dating kaalyado na Kurds bilang “hindi anghel.”

Paglilinaw pa rin nito na hindi isang police ang US na tagapag-ayos ng kaguluhan sa dalawang bansa.

Dahil sa nasabing pahayag ay tinawag naman ng ilang Democrats congressman na isang walang puso ang US President dahil hinahayaan niyang madamay ang maraming inosente sa pag-atake ng Turkey sa Syria.