-- Advertisements --
Inimbitahan ni US President Donald Trump na bumisita sa White House si United Arab Emirates President Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan.
Isinagawa ni Trump ang imbitasyon sa naganap na bilateral meeting ng dalawang opisyal sa UAE.
Ang nasabing imbitasyon ay kasunod ng anunsiyo ng UAE na sila ay mag-iinvest ng nasa $1.4 trillion sa loob ng 10 taon na nakatuon sa Artifiical Intelligence, semiconductors, manufacturing at energy.
Base sa pagtaya ng UAE embassy sa Washington na mayroon ng kasalukuyang $1-trillion na silang investment sa US.