Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkaroon na ng makasaysayang usaping pangkapayapaan ang Israel at United Arab Emirates.
Sa inilabas na joint statement nina Trump, Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at Abu Dhabi Crown Prince Mohammed Al Nahyan, na umaasa sila na ang nasabing kasunduan ay magdudulot na ng kapayapaan sa Middle East.
Nakatakda ring kanselahin na ng Israel ang pag-angkin sa malaking bahagi ng West Bank.
Hanggang sa kasalukuyan kasi ay walang diplomatic relations ang Israel sa Gulf Arab countries.
Ikinatuwa naman ni UAE ambassador to US na si Yousef Al Otaiba ang kasunduan kung saan ito ay isang tagumpay sa diplomasya sa rehiyon.
Ang kasunduan ay siyang pangatlong Israel-Arab peace deal mula ng magdeklara ng independence ang Israel noong 1948.
Noong 1979 kasi ay pumirma ang Egypt na sumunod ang Jordan noong 1994.