-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Israel ang pagkakakilanlan ng tatlong nasawing bihag ng Hamas na kanilang natanggap sa pamamagitan ng Red Cross.

Base kasi sa lumabas sa forensic test, nakilala ang mga ito na sina Col Asaf Hamami, 40, Capt Omer Neutra, 21, at Staff Sgt Oz Daniel, 19.

Dahil sa kumpirmasyon ay nangangahulugan na mayroong walong nasawing Israeli at dayuhang bihag ang nananatili sa Gaza.

Base kasi sa unang parte ng ceasefire deal na isinulong ng US na pumayag ang Hamas na ibalik ang 20 nabubuhay at 28 na mga nasawing bihag na hawak nila.

Una ng inakusahan ng Israel ang Hamas na pinapatagal nila ang pagbawi sa mga nasawing bihag subalit paglilinaw ng Hamas na nahihirapan sila para mahanap ang mga bangkay na natabunan ng mga gumuhong gusali.