Nagsumite ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ng panibagong batch ng ebidensiya sa kasong kinakaharap nitong war on drugs.
Base sa dokumento na isinumite noong Nobyembre 5 na mayroong 13 uri ng ebidensiya ang kanilang isinumite sa Office of the Prosecutor at Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na pirmado ni Atty. Nicholas Kaufman, ang abogado ni Duterte.
Subalit ang nasabing mga dokumento ay nananatiling confidential na ito ay para lamang sa defense, prosecution at OPCV.
Ito na ang pangalawang batch na naisumite ng kampo ng dating pangulo na ang una ay noong Setyembre na naglalaman ng 29 items.
Magugunitang nakapiit sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo kung saan kinasuhan siya ng ICC Prosecutor ng 49 murder at attempted murder dahil sa kampanya niya laban sa iligal na droga noong ito ay alkalde ng Davao at pangulo ng Pilipinas.
















