-- Advertisements --

Patay ang isang empleyado ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila, nitong madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.

Ayon sa pulisya, ang 38-taong-gulang na biktima ay isang apprentice seaman mula Zamboanga.

Naglaro pa raw umano ito ng basketball kasama ang kanyang mga katrabaho bago magpahinga sa isang vape shop, kung saan siya binaril bandang alas-4 ng umaga.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghihinalaang magkakakilala ang salarin at ang biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.