-- Advertisements --

Bumuwelta si Senator Kiko Pangilinan sa mga nasasabing ang mga minor na may edad 15 pababa ay walang criminal liability sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Ayon sa batikang senador, mali at misleading ang naturang impormasyon.

Paliwanag ng abogadong senador, hindi exempted sa batas ang mga ‘young offender’ o mga batang nagkasala sa batas, lalo na ang mga nakagawa ng heinous crimes.

May pananagutan pa rin ang mga ito aniya, at kailangang harapin ang kanilang pagkakasala o nagawang krimen.

Aniya, hindi dapat basta pakawalan ang mga minor na suspect sa pamamaril at sa halip ay kailangang munang dumaan sa mga prosesong itinatakda ng Juvenile Justice Law.

Kabilang dito ang sabay na pagpapanagot sa kanilang mga magulang kung mapatunayan na mayroon silang pagkukulang o pagkakamali.