-- Advertisements --

Natupok ng apoy ang bahay ni Miami Heat basketball head coach Erik Spoelstra.

Ayon sa Miami-Dade Fire Rescue sinubukan nilang isalba ang bahay subalit malaki na ang apoy noong sila ay rumesponde.

Dakong alas-4:30 ng umaga ng matanggap nila ang tawag ukol sa sunog at pagresponde nila ay malaki na ang apoy.

Walang anumang naiulat na nasugatan sa insidente at patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa inisidente.

Wala naman sa kaniyang bahay ang Filipino-American coach noong naganap ang sunog.