warplanes

Kinumpirma ni US President Donald Trump na tuluyan nang pumayag ang Japan na bumili ng 105 F-35 stealth planes mula sa US.

“(They’re) stealth because the fact is you can’t see them,” ani Trump.

Dagdag pa nito na isa ang Japan sa pinaka malaking purchasers ng American defense equipment noong nakaraang taon.

Diretsahan ding inamin ni Trump na mayroong malaking trade imbalance na nagaganap sa Japan ngunit handa raw itong makipag negosasyon sa bansa upang maayos ang nasabing gusot.

Samantala, makikipagtulungan naman ang Estados Unidos sa pagpapadala ng astronauts sa kalawakan.