-- Advertisements --

Inaprubahan na ng US Senate Judiciary Committee a ng nominasyon ni Amy Coney Barrett bilang maging Supreme Court Justice.

Ito ay kahit na nagsagawa ng pag-boycott ang mga mambabatas mula sa Democrats.

Mayroong 12-0 ang nakuha ni Barrett kung saan lahat ng mga Republican members ay bumuto at 10 committee mula sa Democrats ang nag-boycott.

Ikinatuwa naman ni US President Donald Trump ang naging hakbang ng mga mambabatas kung saan tinawag nito na “Big day para sa America” ang pag-apruba kay Barrett.

Ang 48-anyos na si Barrett ay naging federal appeals court judge mula pa noong 2017 na naging legal scholar ng University of Notre Dame sa Indiana.

Ipinagtanggol naman ni Senate Democratic leader Chuck Schumer ang ginawa nilang paboto kung saan naging partisan at lehitimo ang proseso.

Hinayaan laman ni Judiciary Committee Chairman Lindsey Graham ang ginawang Democratic boycott at sinabing desisyon nila iyon.

Dahil sa pag-apruba ng nominasyo ay inaasahan na magigng mapapadali na ang final Senate confirmation vote para kay Barrett na itinakda sa darating na Lunes.

Hawak kasi ng Republican ang majority sa Senado kung saan mayroong 53 habang 47 lamang ang mga Democrats.